NIKKA has biliary atresia.
Her parents GIL & DOLLY are pleading for help!
LIHAM NG PAGHINGI NG TULONG
Para kay NINA KRISTINA C. SILVA (“NIKKA”)
August 25, 2011
Mga kaibigan,
Kami, si Gil at Dolly Silva, mag-asawa, may tatlong anak, nakatira sa Cainta, Rizal ay humihingi ng inyong tulong para sa aming bunsong anak na si NINA KRISTINA C. SILVA (Nikka), 8.7 taong gulang. Pagkapanganak kay Nikka noong December 2002, nalaman na mayrron siyang “biliary atresia”, isang sakit na kung saan nasira/hindi tumubo/nagbara ang biliary system na daluyan ng bile patungong intestine. Sa ikatlong buwan niya, inoperahan siya (kasai procedure) upang mag-connect ng bahagi ng small intestine sa kanyang liver upang maging daluyan ng bile mula sa liver patungong intestine.
Sa mga nakaraang taon inalagaan naming siya sa tulong ng gastrologist upang maging malusog ang kanyang liver. Unti-unti naging cirrhosis ang liver niya at lumaki ang kanyang spleen. May mga pamamaga na rin ng mga ugat niya sa paligid ng atay. Sa pagtagal ng mga taon, unti-unting nasisira ng bile ang kanyang liver. Sa ngayon po, bumababa na ang mga kakayahan ng kanyang liver. Ang tanging paraan ay ang LIVER TRANSPLANTATION. Ang liver transplantation po ay nagkakahalaga ng Ph 4.5M. Ang liver ay maaring manggaling sa live donor o sa brain dead na pasyente.
Nagkakaroon si Nikka ng mga testing upang sumailalim sa liver transplantation sa Medical City, Ortigas. May mga kaibigan po kaming tagalabas na kasalukuyang tumutulong sa pangangalap ng pondo para sa transplantation. May maliit na halaga na kaming naitabi para kay Nikka ngunit hindi ito sapat. Buong-kababaang loob po kaming humingi ng tulong upang malikom ang pondo para sa kanyang operasyon.
Umaasa po kami sa tulong ninyo at ng mga kaibigan para sa buhay ng aming anak. Pagpalain po ng Diyos ang inyong kagandahang-loob.
Gumagalang,
Gil at Dolly Silva
